Presyo ng mga pagkain magpapatuloy sa pagtaas

By Jan Escosio July 06, 2022 - 09:01 AM

Nilinaw ni Philippine Statistics Authority (PSA) Chief Dennis Mapa hindi pa nakakaranas ang bansa ng tinatawag na ‘hyperinflation.’

Ngunit aniya nakikita nila na magpapatuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin, partikular na ang mga pagkain.

Kaugnay ito sa naitalang 6.1% inflation noong nakaraang buwan dahil sa mabilis na pagtaas ng halaga ng mga pagkain at transportasyon.

Sa naitalang 6.1%, ang tear-to-date inflation ngayon taon ay 4.4%, na higit sa 2-4% target band ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa 2022.

Sa pagtataya ng BSP, 5% ang maaring maging average inflation ngayon taon at bababa ito sa 4.2% sa susunod na taon.

Naipaliwanag din na ang halaga ng P1 noong Hunyo ay bumaba pa sa P0.87 mula sa P0.89 noong nagdaang Pebrero.

“Dahil tumataas ‘yung inflation natin through the years, ine-expect natin bumababa talaga yung purchasing power,” sabi ni Mapa.

Simula noong 2018 nang bumaba ang halaga ng piso sa hindi bababa sa P0.90 hanggang noong Enero.

TAGS: Inflation, psa, Inflation, psa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.