“No contact apprehension” sa QC umarangkada na

By Chona Yu July 01, 2022 - 05:36 PM

Inquirer file photo

Sinimulan na ngayong araw ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang pagpapatupad ng “no contact apprehension” sa mga pasaway na motorist.

Ito ay matapos ang apat na buwang trial period sa naturang programa.

Ipatutupad ang “no contact apprehension” sa anim na lugar sa lungsod.

Ito ay sa  P. Tuazon – 13th, P. Tuazon – 15th, E Rodriguez – Hemady, E Rodriguez –  Tomas Morato, Kamias – Kalayaan, at East Avenue – BIR.

Padadalhan na lamang ang mga may-ari ng sasakyan ng notice of violation 14 araw matapos makunan sa CTV ang mga traffic violation.

Kinakailangan na mabayaran ang traffic violation sa loob ng 30 araw matapos matanggap ang notice of violation.

Maaring bayaran ang traffic violation sa website na https://nocontact.quezoncity.gov.ph/ o sa mga over-the-counter sa mga piling bangko o sa cash payment sa Quezon City hall.

 

 

TAGS: news, no-contact apprehension, quezon city, Radyo Inquirer, news, no-contact apprehension, quezon city, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.