Enrique Manalo itinalaga ni Marcos bilang DFA Secretary
Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang career diplomat na si Enrique Manalo bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs kapalit ni dating Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Ito ang kinumpirma ni Press Secretary Trixie Angeles.
“Yes, it is confirmed. But he asked for a few days to wind up affairs in the previous post,” pahayag ni Angeles.
Nanumpa si Manalo kay Marcos ngayong umaga, July 1.
Una nang naging acting Foreign Affairs Secretary si Manalo noong 2017 matapos mabigong makumpirma ng Commission on Appointments si dating Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay dahil sa isyu ng kanyang nationality.
Una nang nag-retiro sa serbisyo si Manalo noong 2018.
Nagsilbi rin si Manalo bilang Philippine Permanent Representative to the United Nations sa New York noong panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte noong 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.