Ayuda sa trike drivers kinuwestiyon ni Sen. Win Gatchalian sa DILG, LGUs

By Jan Escosio July 01, 2022 - 10:23 AM

driver

Hinanap na ni Senator Sherwin Gatchalian sa Department of the Interior and Local Government (DILG) at sa mga lokal na pamahalaan ang matagal nang pagkakaantala ng ayuda sa mga tricycle drivers.

“Hanggang ngayon ay wala pang tricycle driver na nakakuha ng kanilang ayuda. Walang saysay ang pamamahagi ng ayuda kung matagal itong naaantala habang tuloy-tuloy na tumataas ang presyo ng petrolyo,” aniya.

Pagdidiin nito napakalang tulong ang Pantawid Pasada program sa mga tricycle drivers, tulad ng ibang public utility vehicles (PUVs) drivers na umaasa sa arawang pamamasada.

Ibinahagi ng senador na marami sa listahan ng mga benipesaryo na isinumite ng DILG at LGUs ay hindi tugma sa mga e-wallet account holders kayat hiniling ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na ayusin ang listahan.

Nabatid na ang mga detalye ay dapat na iwasto ng mga namumuno sa Tricycle  Franchising Board (TRB), gayundin sa pangulo ng Tricycle Operators and Drivers Association (TODA), na sesertipikahan ng mga lokal na opisyal para matiyak na lehitimo ang mga nasa listahan.

Umaasa si Gatchalian na maisasapinal na ang listahan sa pinakamadaling panahon para masimulan na ang proseso ng distribusyon ng P1,000 ayuda sa 617,806 tricycle drivers at operators.

TAGS: ayuda, DILG, pantawid pasada, Sherwin Gatchalian, tricycle driver, ayuda, DILG, pantawid pasada, Sherwin Gatchalian, tricycle driver

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.