‘Ang Sabah ay mananatiling nasa Malaysia’- CM Musa Aman
Hindi kinikilala ng Sabah ang pag-angkin ng Pilipinas sa kanilang estado, at iginiit na sila ay nasa ilalim ng pamamahala ng Malaysia.
Ayon kay Chief Minister Musa Aman, sila ay nasa Malaysia at pinili nilang patuloy na maging bahagi ng soberanya nito, mula pa nang ito ay mabuo.
Ito ang naging tugon ni Musa sa pahayag ni incoming President Rodrigo Duterte kung saan sinabi niya ang kaniyang balak na ipagpatuloy ang pagbawi sa Sabah.
Ayon pa kay Musa, ang mga taga-Sabah ay nakararanas ng kapayapaan, stability at magandang lagay ng ekonomiya sa pagiging bahagi ng Malaysia.
Sa watawat din ng Malaysia aniya sila nanumpa, at ‘irrelevant’ rin umano para sa kanila ang pahayag ni Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.