Publiko, hinimok na i-display ang mga watawat ng Pilipinas para sa National Flag Days

By Kathleen Betina Aenlle May 28, 2016 - 04:31 AM

Inquirer file photo
Inquirer file photo

Hinihimok ng Malacañang ang lahat ng mga Pilipino na i-display ang watawat ng Pilipinas sa lahat ng mga opisina, ahensya, business establishments, paaralan at maging mga pribadong tahanan mula May 28 hanggang June 12.

Ito ay bilang pag-gunita sa Flag Days na idineklara noon ni dating Pangulong Fidel V. Ramos.

May 28, 1898 unang i-winagayway ang watawat ng Pilipinas nang matalo ng mga sundalong rebolusyonaryo ang pwersa ng mga Kastila sa Battle of Alapan sa Imus Cavite.

Gayunman, sa araw na iyon, hindi pa pormal na isinasapubliko ang pag-anunsyo ng pambansang watawat, at una itong pormal na isinapubliko noong June 12, 1898.

Mula 1919 hanggang 1940, tuwing Oktubre ito ginugunita, ngunit mula 1941, ginawa na itong June 12 kung kailan ito unang ibinandera sa Kawit.

Sa proklamasyon naman ni dating Pangulong Diosdado Macapagal, ibinalik sa May 28 ang National Flag Day.

Noong May 23, 1994, naglabas ng executive order si Ramos na nagpahaba sa National Day mula May 28 hanggang June 12 na sinusunod pa rin hanggang sa ngayon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.