Limang major agenda, palalakasin ni Mayor Joy Belmonte

By Chona Yu June 29, 2022 - 06:50 PM

Photo credit: Quezon City government

Nanumpa na bilang Mayor ng Quezon City si Joy Belmonte.

Ito na ang ikalawang termino ni Belmonte bilang Mayor ng lungsod.

Sa talumpati ni Belmonte, limang major agenda ang kanyang palalakasin.

Ito ay ang social services, kalusugan, edukasyon, digitalization at economic programs na higit na pakikinabangan ng mga taga-lungsod.

Ayon kay Belmonte, sa social services pa lamang mula P9.8 bilyong pondo noong 2019 ay dinoble sa taong 2022 na umabot sa P16.1 bilyon upang matulungang maiangat ang buhay ng mga nasa laylayan

Sakop ng programa ang jeepney drivers at iba pang driver na higit na naapektuhan ng pagtaas ng halaga ng gasolina.

Sinabi pa ni Belmonte na magkakaroon na ng dagdag na itatayong LGU-owned hospital sa ibang distrito tulad sa District 6 at palalakasin pa ang mga programang pangkalusugan sa mga barangay.

Ibinida rin ni Belmonte ang 95 porsyentong digitalization program kung saan hindi na kailangang magtungo sa city hall sa pagkuha ng business permit, pagbabayad ng buwis, pagkuha ng birth certificate at iba pa para hindi mahawa ng COVID-19.

Palalakasin din ni Belmonte ang edukasyon at ekonomiya.

TAGS: InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews, InquirerNews, JoyBelmonte, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.