Duterte at Robredo, wagi sa natapos na canvassing

By Isa Avendaño-Umali May 27, 2016 - 08:18 PM

Inquirer File Photo

Tapos na ang official joint canvassing ng Kongreso bilang National Board of Canvassers.

Ito na ang pinakamabilis na joint canvassing ng Kongreso sa kasaysayan ng Pilipinas, na umabot lamang ng tatlong araw.

Ang certificate of canvass (COC) ng Northern Samar ang huling binuksan kung saan nakumpirma ang malaking lamang ni president-elect Rodrigo Duterte mula sa kaniyang mga katunggali lalo na sa pumapangalawa sa kaniya na si Mar Roxas ng Liberal Party.

Batay sa COC mula sa Northern Samar nakakuha si Duterte ng botong 42,157 samantalang si Mar Roxas ay 100,436.

Sa pagka-bise presidente, nakakuha ng botong 111,461 si naga Rep. Leni Robredo samantalang si Senador Bongbong Marcos ay 73,214. Sa kabuuan.

Si Duterte ay merong boto na 16,601,997 samantalang si Robredo naman ay 14,418,817, na nagseselyo sa kanilang pagkapanalo sa halalan.

Si Marcos naman, sa kabuuang, ay nakakuha ng botong 14,155,344. Ito ay nangangahulugan na lamang si Robredo ng 263,473 na boto kay Marcos sa official joint canvassing ng Kongreso.

Ganap na 7:25 nang ihayag nina Senador Koko Pimentel at House Majority Leader Neptali Gonzales II ang pagtatapos ng canvassing at pag-uutos sa secretariat na maghanda ng report ukol sa naganap na canvassing.

Muling magre-resume ang joint session sa Lunes May 30, 2016 ganap na alas 2:00 ng hapon.

 

2016 presidential and vice presidential official canvass

TAGS: Election 2016, Leni Robredo, Rodrigo Duterte, Election 2016, Leni Robredo, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.