Suporta ni in-coming President Duterte sa paglansag sa droga, morale booster para sa PNP
Higit sa logistic support, itinuturing ng PNP CIDG NCR na pinakamahalaga ang suportang kailangan nila mula sa mauupong bagong pangulo ng bansa sa June 30.
Ayon kay CIDG NCR Chief Sr Supt Ronald Lee, bagama’t may mga pangangailangan silang dapat na madagdag sa kanilang resources. Mas higit nilang kailangan na maramdamang nasa likod nila si incoming president Duterte.
Ayon kay Lee, mas malaki ang epekto sa kanilang morale nang garantiya ng commander-in-chief sa kanilang ginagawa at gagawing mga operasyon lalo na at top priority ngayon ng PNP ay hulihin ang mga sarili nilang kabarong sabit sa operasyon ng iligal na droga.
Nauna nang sinabi ni Duterte na hindi niya hahayaang mapahamak o maharass ang mga pulis ng kanilang nakakabanggang mga sindikato.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.