PNP, magtatalaga ng security control points sa mga kalsada patungo sa inauguration rites

By Angellic Jordan June 28, 2022 - 06:39 PM

Screengrab from PNP’s Facebook video

Sasailalim sa inspeksyon ang lahat ng mga sasakyang dadaan sa mga kalsada patungo sa National Museum para sa inagurasyon ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hunyo 30.

Ayon kay Police Lt. Gen. Vicente Danao Jr., Officer-in-Charge ng Philippine National Police (PNP), tanging ang mga personalidad na kumpirmadong dadalo sa inagurasyon ang papayagang makadaan sa mga kalsada.

Sisiyasatin din aniya ang mga bisita, kasama ang mga working staff ng inagurasyon.

Samantala, nagpaalala naman si Police Brig. Gen. Roderick Augustus Alba, Chief PIO ng PNP, sa lahat ng mga dadalo na iwasang magdala ng mga pangunahing kagamitan:
– Backpacks at big bags
– Matatalas na kagamitan (cutters, blades, kutsilyo, at iba pa)
– Nakalalasing na inumin at sigarilyo
– Kemikal
– Paputok
– Lighter, posporo at ibang nakakasaunog na kagamitan
– Drones

Kukumpiskahin aniya ang mga nabanggit na gamit sa entrance gates.

Maari ring gumamit ang mga dadalo ng transparent bags o containers upang mapabilis ang proseso ng inspeksyon.

“The ban on these items ensures that no contraband will be brought inside the venue of the inauguration to guarantee the safety of all attendees,” pahayag ni Alba.

Dagdag nito, “We ask for the full cooperation of guests and other attendees over the rigid security check that they will need to undergo upon arrival in the venue. We also advise for them to come at least two (2) hours ahead of the scheduled time of the inauguration ceremony, as the security check may take a few minutes.”

TAGS: BBM inauguration, BBMadmin, InquirerNews, national museum, PBBM, PNP, RadyoInquirerNews, VicenteDanao, BBM inauguration, BBMadmin, InquirerNews, national museum, PBBM, PNP, RadyoInquirerNews, VicenteDanao

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.