Mariing pinabulaanan ni Attorney Yasser Ismail Abbas na isa siya sa mga smuggler ng agricultural product sa bansa. Pahayag ito ni Abbas matapos maisama sa intelligence report na natanggap ni Senate President Tito Sotto na naglalaman ng pangalan ng mga smuggler. Ayon kay Abbas, walang kinalaman ang kanyang trabaho bilang director ng Bureau of Customs Import Assessment sa processing, clearance o pagri-release ng agricultural products. Sinabi pa ni Abbas na ang kanyang trabaho sa BOC ay walang impluwensya para mag facilitate sa processing ng agricultural products na nagdudulot ng smuggling. Iginiit pa ni Abbas na hindi siya nabigyan ng pagkakataon na maipaliwanag ang kanyang panig dahil hindi naman siya naimbtiiahan sa mga pagdinig sa Senado. Una rito, nalantad ang pangalan ng 21 katao na umanoy protector ng smuggling ng agricultural product sa bansa. Ito ay sina 1. BUREAU OF CUSTOMS CHIEF REY LEONARDO GUERRERO 2. DEPARTMENT OF AGRICULTUE UNDERSECRETARY ARIEL CAYANAN 3. CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER FOR INTELLIGENCE GROUP RANIEL RAMIRO 4. CUSTOMS DEPUTY COMMISSIONER VENER BAQUIRAN – CUSTOMS REVENUE COLLECTION MONITORING GROUP 5. DIRECTOR GEOFREY TACIO ng CUSTOMS INTELLIGENCE AND INVESTIGATION SERVICE 6. BUREAU OF PLANT INDUSTRY DIRECTOR GEORGE CULASTE 7. BUREAU OF FISHERIES AND AQUATIC RESOURCES DIRECTOR EDUARDO GONGONA AT 8. LAARNI ROXAS NG PLANT QUARANTINE SERVICES DIVISION NG BUREAU OF PLANT INDUSTRY. 9. TOBY TIANGCO NA NAKASAAD NA SMUGGLING PROTECTOR NG “BFAR PRODUCTS” 10. MAYOR JUN DIAMANTE NA MAY KINALAMAN UMANO SA AGRICULTURAL PRODUCTS NA DUMADAAN SA PORTS SA DAVAO, CAGAYAN DE ORO, CEBU AT SUBIC; AT 11. GERRY TEVES NA NAKASAAD NA SMUGGLER SA MGA MAJOR PORTS 12. DAVID TAN ALYAS DAVID BANGYAN 13. MANUEL TAN 14. JUDE LOGARTA sa CEBU 15. LEAH CRUZ ALYAS LUZ CRUZ AT ALYAS LILIA MATABANG CRUZ NA TINATAWAG NA ONION QUEEN 16. ANDY CHUA 17. GEORGE TAN 18. DAVID BANGAYAN 19. PAUL TEVES 20. TOMMY GO 21. WILSON CHUA. Sa ngayon, ibinigay na ni Sotto ang naturang listahan kay President-elect Ferdinand Bongbong Marcos Junior na tatayong kalihim ng Department of Agriculture.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.