Dating Senate Pres. Juan Ponce Enrile, tinamaan ng COVID-19
Ginagamot si incoming Presidential legal counsel Juan Ponce Enrile sa Makati Medical Center dahil sa COVID 19.
Sa kanyang social media post, inanunsiyo ni Enrile ang pagkaka-ospital at ang kanyang mensahe sa kanyang mga kritiko.
“To my critics and enemies. Do not clap with glee. I am not going to die yet. Far from it. God gave me very good doctors,” sabi ng 98-anyos na dating Senate President.
Ibinahagi din nito na maayos ang kanyang pakiramdam maliban sa pag-ubo at base sa resulta ng kanyang CT scan, siya ay may mild COVID-19.
Sinabi din ni Enrile na ipinaalam na niya kay incoming Executive Sec. Victor Rodriguez ang kanyang karamdaman kayat hindi aniya siya makakadalo sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Huwebes.
Aniya, pinayuhan siya ng kanyang mga doktor na tapusin ang kanyang anti-viral regimen.
Dahil sa naturang sakit, hindi makakadalo si Enrile sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa Hunyo 30.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.