Permanente nang bubuksan sa publiko ng Department of Environemnt and Natural resources ang Manila Bay Bolomite Beach.
Ayon sa DENR, mananatiling bukas ang Dolomite Beach kahit matapos na ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa June 30.
Muling binuksan sa publiko ang Dolomite Beach noong June 12 kasabay ng pagdiriwang ng ika-124 na anibersaryo ng Independence Day kung saan dumalo si Pangulong Duterte.
Bukas ang Dolomite Beach mula 6:00 ng umaga hanggang 6:00 ng gabi.
Sarado naman tuwing araw ng Huwebes para sa paglilinis at pagsasaayos.
Pinapayagan ang may 1,500 hanggang 3,500 na bisita na makapasok sa Dolomite Beach.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.