First Cavite Industrial Estate binuwag ni Pangulong Duterte
Binuwag na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang First Cavite Industrial Estate, Inc. (FCIEI).
Base sa Memorandum Order Number 62, hindi na relevant sa estado ang FCIEI na isang government-owned or controlled corporation.
Ang FCIEI ay joint venture project ng National Development Company (NDC) na may mandato na mag-acquire, own, lease, hold, subdivide, construct, develop, equip, operate, maintain sa industrial estates.
Binuo ang FCIEI para i-develop ang mga property sa Dasmariñas, Cavite.
Bumuo na ng technical working group para ipatupad ang memorandum.
Inaatasan ang technical working group na magsumite ng initial status report sa loob ng 30 araw.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.