Sen. Bong Go umaasa na magpapatuloy ang Balik Probinsiya Program
By Jan Escosio June 24, 2022 - 08:26 AM
Hinikayat ni Senator Christopher Go ang papasok na administrasyong-Marcos Jr., na ituloy ang nasimulan ng Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa (BP2) Program. Sinabi ni Go na nagbibigay ang programa ng pag-asa para sa magandang kinabukasan sa kabila ng nagpapatuloy na pandemya dulot ng COVID-19. “Ako naman po ay hinihikayat ko po ang susunod na administrasyon na ipagpatuloy po ‘yung Balik Probinsiya, Bagong Pag-Asa program po based on executive order ni Pangulong Duterte,” sabi nito matapos magbigay ng mga tulong sa Lupon, Davao Oriental. Dagdag pa niya, nakakatulong ang programa sa mga naapektuhan ng krisis pangkalusugan sa pamamagitan ng pagbibigay ng bagong simula sa kanilang pamumuhay sa mga lalawigan. Nakakatulong din aniya ito na mapaluwag ang Metro Manila. Inisponsoran ni Go sa Senado ang Senate Resolution No. 380 na humikayat sa Ehekutibo na ipatupad ang BP2 Program at kasunod nito ang pagpapalabas ng Malakanyang ng Executive Order No. 114 noong Mayo, 2020.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.