DILG, Cebu gov’t nagka-usap ukol sa kontrobersyal na ‘mask policy’

By Jan Escosio June 23, 2022 - 05:20 PM

Positibo si Interior Secretary Eduardo Año na magkakaroon ng maayos na wakas ang sigalot sa kontrobersyal na utos ni Cebu Governor Gwendolyn Garcia na maaring opsyon na lamang ang pagsusuot ng mask sa mga ‘open and well ventilated spaces’ sa lalawigan.

Ibinahagi ni Año na nagkausap na sila ni Garcia at aniya kapwa nila gusto na magkaroon ng mapapagkasunduang solusyon sa hindi nila pagkakaiintidihan sa isyu.

Idinagdag pa ng kalihim na nakipagpulong na rin si DILG Region 7 Dir. Leo Trovela kay Garcia kasama ang ilang opisyal ng lalawigan.

Aniya sa mga pag-uusap ng dalawang kampo, inintindi nila ang ordinansa ipinasa ng Sangguniang Panglalawigan ng Cebu ukol sa pagsusuot ng mask.

Nabatid na magsasagawa ang pamahalaang-panglalawigan ng mga konsultasyon ukol sa ordinansa bago bubuo ng implementing rules and regulations (IRR).

Sa bahagi naman aniya ng DILG, pag-aaralan nila ng husto ang IRR bago sila maglalabas ng ‘guidance’ para sa pagpapatupad ng ordinansa.

TAGS: cebu, DILG, mask, cebu, DILG, mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.