DILG official dinipensahan ang pagharang ng NTC sa ‘Red websites’
Walang nakikitang mali ang isang opisyal ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa hakbang ng National Telecommunications Commission (NTC) na harangin ang websites na iniuugnay sa mga maka-komunistang grupo.
Sinabi ni Usec. Jonathan Malaya ang legal na basehan ng hakbang ay ang RA 11479 o ang Anti-Terrorism Act of 2020, partikular na ang nakasaad sa Section 2.
Paliwanag ni Malaya nakasaad sa batas na mandato ng gobyerno na protektahan ang buhay, kalayaan at ari-arian laban sa terorismo at sa mga itinuturing na banta sa pambansang seguridad.
Malinaw din aniya ang ibinigay na kahulugan ng terorismo sa naturang batas.
Aminado naman si Malaya na sa pag-apila ng mga kontra sa naturang hakbang, tiniyak nito na magagamit na dahilan ang ‘freedom of speech.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.