Apektadong sektor prayoridad ni PBBM sa price hikes

By Jan Escosio June 22, 2022 - 06:04 PM

Sa halip na suspindihin ang excise taxes sa mga produktong-petrolyo, mas pagtutuunan ng pansin ng administrasyong-Marcos Jr., ang pagtulong sa mga sektor na lubhang naapektuhan ng pagtaas ng mga presyo ng mga pangunahing bilihin at produktong-petrolyo.

“I prefer to handle the problem on the otder side of the equation and provide assistance to those who are in need because if you reduce the excise taxes that does not necessarily help those who are most in need. Yung talagang tinamaan. Kasi blanket eh,” sabi pa ni Marcos.

Una na niyang ikinatuwiran sa pagsuspindi sa excise taxes, hindi makakatulong ito sa mga direktang apektado ng pagtaas ng mga presyo.

Partikular niyang nabanggit sa mga dapat agad tulungan ay ang mga sektor ng pampublikong transportasyon.

“Its those whose livelihood are in danger or in danger of losing their livelihood because of the increase in oil prices. Baka dapat dun tayo mag-focus,” sabi pa nito.

Pagdidiin nito, napakahalaga ng transportasyon dahil bahagi ito ng araw-araw na pamumuhay ng mamamayan.

Aniya hindi lamang ang pagbiyahe ng mga tao ang maapektuhan, kundi maging ang mga pangangailangan at produkto.

Aminado si Marcos na nakatali ang mga kamay ng gobyerno sa usapin ng presyo ng mga produktong-petrolyo bagamat aniya nakikipag-usap na siya sa mga bansa na mayaman sa langis para sa suplay ng Pilipinas.

TAGS: BBM, oil price, transport, BBM, oil price, transport

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.