Ipagbibilin ng Department of Health (DOH) sa papasok na administrasyong-Marcos Jr. ang hindi muna pagbili ng COVID 19 vaccines.
Ito ang ibinahagi ni Health Usec. Myrna Cabotaje sa katuwiran na may sapat na suplay pa ng bakuna ang bansa at ito ay tatagal hanggang sa katapusan ng taon.
“Ang aming recommendation and the DOH also recommends, even our vaccine czar ay we have enough vaccines. At the rate we are going ay hanggang end of the year,” ani Cabotaje, na pinamumunuan ang National Operations Center.
Sinabi pa nito na sa pagtatapos ng taon ay may mga donasyon na bakuna na dadating sa Pilipinas mula sa COVAX facility.
Ayon pa kay Cabotaje bibili lamang ng mga bagong bakuna kung pababakunahan na rin ang mga nasa edad lima hanggang 11 dahil aniya ay may ‘special formulation’ para sa mga ito.
Nabatid na dalawang milyong doses ng bakuna ang nag-expire at nasayang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.