Higit 71-M pasahero, naserbisyuhan ng libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3

By Angellic Jordan June 21, 2022 - 05:42 PM

Umabot na sa 71,222,260 ang kabuuang ridership ng libreng sakay sa ilalim ng Service Contracting Program Phase 3 sa buong bansa, ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Sa ikatlong pagkakataon, sinimulan muli ang naturang programa noong Abril 2022 sa NCR-EDSA Busway Carousel, Region 1, Region 2, Region 3, Region 4-A, Region 4-B, Region 5, Region 6, Region 7, Region 8, Region 9, Region 10, Region 11, Region 12, Region 13 – Caraga, NCR, at CAR.

Layon ng programa na bigyan ng transport assistance ang publiko, lalo na ang medical frontliners at iba pang essential workers, sa gitna ng pandemiya, at patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Sa pamamagitan din nito, mabibigyan ng insentibo ang mga drayber at operator depende sa bilang ng nakumpletong biyahe kada linggo, may sakay man o wala.

Ayon sa DOTr, nais nilang makatulong sa pagbibigay ng kabuhayan sa mga operator at driver, at makapagbigay ng maaasahan at ligtas na pampublikong transportasyon sa publiko.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, ltfrb, RadyoInquirerNews, ServiceContractingProgram, DOTrPH, InquirerNews, LibrengSakay, ltfrb, RadyoInquirerNews, ServiceContractingProgram

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.