Gov. Garcia, binigyan ng DILG ng hanggang Hunyo 22 para ayusin ang kautusan ukol sa pagsusuot ng face mask

By Chona Yu June 21, 2022 - 05:30 PM

Binibigyan ng taning ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ng hanggang sa araw ng Martes, Hunyo 21, o Miyerkules, Hunto 22, na ayusin ni Cebu Governor Gwen Garcia ang kautusan na gawing optional na lamang ang pagsusuot ng face mask bilang proteksyon laban sa COVID-19.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni DILG Undersecretary Martin Diño na may katapat na parusa sa mga lalabag sa kautusan ng national government.

Ayon kay Diño, ipinauubaya na ng DILG sa Palasyo ng Malakanyang ang pagpapasya kung pa patawan ng parusa si Garcia.

Ayon kay Diño, sumusunod ang DILG sa batas na ginawa ng Kamara at Senado na Bayanihan Act na panlaban sa COVID-19.

Una nang binalaan ng DILG si Garcia na ayusin ang ipinalabas na kautusan hanggang sa weekend.

Sa ngayon, sinabi ni Diño na wala namang barangay ang sumusunod na gawing optional ang pagsusuot ng face mask.

TAGS: cebu, COVIDresponse, DILG, face mask, GwenGarcia, InquirerNews, MartinDiño, RadyoInquirerNews, cebu, COVIDresponse, DILG, face mask, GwenGarcia, InquirerNews, MartinDiño, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.