Donald Trump, may sapat nang delegado upang maging Republican presidential candidate
Nakuha ni US Billionaire Donald Trump ang kinakailangang bilang ng mga delegado na magsisilbing hudyat upang maging nominee ng Republican party para sa presidential elections sa US.
Si Trump ang nanguna sa Associated Press delegate count kung saan ilang mga delegado ang nagsabing susuportahan nila si Trump pagsapit ng national convention sa July.
Ang baguhang si Trump ang nanguna sa 17 mga presidential contenders ng Republican party.
Kinakailangan ng 1,237 na delegado upang makuha ang Republican nomination.
Sa kasalukuyan, mayroon nang 1,238 na delegadong sumusuporta sa kanya.
Bukod dito, umaasang magkakaroon pa ng dagdag na 303 delegado si Trump sa magiging state primary sa June 7.
Bagama’t baguhan sa larangan ng US politics, dati nang hayag si Trump sa pagpuna sa mga pagkukulang ng gobyerno sa kanilang mga citizens.
Ang pagiging ‘vocal’ ni Trump ang nakikitang dahilan ng mga eksperto kaya’t tumaas ang popularidad nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.