Casiño, Mariano, Taguiwalo, bahagi ng mga rekomendadong personalidad ng NDFP
Kabilang sa mga sinisilip na posibleng maging bahagi ng Duterte Cabinet ang ilang mga pinuno ng militanteng grupo.
Ayon sa source ng Inquirer, ang mg a pangalan nina University of the Philippines professor Judy Taguiwalo, dating Anakpawis Rep. Rafael Mariano, Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate at dating Solicitor General Silvestre Bello III ay bahagi ng listahang ibinigay ng NDFP kay incoming president Rodrigo Duterte.
Si Taguiwalo ay isang retiradong propesor ng UP Diliman.
Pinuno ito ng Women’s Committee ng Alliance Of Concerned Teachers o ACT at dating political prisoner noong panahon ng rehimeng Marcos.
Si Casiño naman ay nagsilbing mambabatas noong 20017 hanggang 2013.
Si Mariano ay national chair ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Ayon pa sa source, nagback-out si Zarate kaya’t papalitan ito ni dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño.
Una rito, inanunsyo na ni Duterte na kanyang iuupo bilang Kalihim ng DOLE si Bello.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.