Inaugural speech ni VP-elect Sara Duterte, magiging maiksi
Magiging maiksi ang talumpati ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa inauguration ceremony sa Linggo, Hunyo 19.
Sa isang panayam, sinabi ni Duterte na magiging laman ng kaniyang talumpati kung ano ang kailangang tutukan at gawin sa bansa.
Isasagawa ang inagurasyon ni Duterte sa Davao City.
Nakatakda siyang manumpa kay Supreme Court Associate Justice Ramon Paul Hernando bilang ika-15 bise presidente ng bansa.
Sinabi rin ni Duterte na ang kaniyang ina na si Elizabeth Zimmerman ang maghahawak ng Bibliya sa kaniyang inagurasyon.
Kinumpirma rin aniya ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na dadalo siya sa inagurasyon.
Inaasahang dadalo rin si outgoing President Rodrigo Duterte sa inagurasyon ng kaniyang anak.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.