Lalaking nagbabawas, tinuklaw ng sawa sa ari

By Jay Dones May 27, 2016 - 12:45 AM

 

Mula sa Google

Tinuklaw ng isang malaking sawa ang isang 38-anyos na lalake habang ito ay ‘nagbabawas’ sa kanilang palikuran sa Thailand.

Sa kanyang ari pa mismo tinuklaw ng sawa ang biktima nang lumusot ito mula mismo sa toilet bowl ng kanilang comfort room.

Sa kuwento ng biktimang si Atthaporn Boonmarkchuai, nakaupo na siya sa toilet bowl nang bigla siyang tuklawin ng ahas.

Agad itong naghihiyaw na nakatawag pansin sa kanyang mga kamag-anak.

Umabot pa sa 30 minuto bago naalis sa pagkakatuklaw sa maselang bahagi ng katawan ang ahas.

Agad na dinala sa pagamutan ang biktima dahil sa sugat nitong tinamo.

Kinailangan pang rumesponde ang mga rescue workers upang matanggal ang sawa sa toilet bowl.

Nang maalis ang wala nang buhay na sawa, dito na nadiskubreng umaabot sa 3.5 metro ang haba nito.

Inaalam pa ng mga otoridad, kung paano nakapasok sa toilet bowl ang naturang sawa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.