WATCH: Ambassador Robinson, tiyak na bubusisiing mabuti ni Marcos Jr. ang usapin sa WPS
Kumpiyansa si Australian Ambassador Steven James Robinson na bubusisiing mabuti ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang istratihiya sa usapin sa West Philippine Sea.
Sa courtesy call ni Robinson kay Marcos sa Mandaluyong City, tiyak na isasaalang-alang ni Marcos ang kabutihan ng Pilipinas.
Una rito, sinabi ni Marcos na walang puwang ang negosasyon sa China kung soberenya ang pag-uusap an.
Ayon kay Robinson, kahit naman sinong pulitiko, tiyak na isasaalang-alang ang ikabubuti ng bansa.
Bahagi ng pahayag ng ambassador:
WATCH: Australian Ambassador Steven James Robinson, napag-usapan din nila ni President-elect Ferdinand @bongbongmarcos Jr. ang sitwasyon sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea. | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/9DeijLf2vd
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 17, 2022
Bukod sa West Philippine Sea, tinalakay din ng dalawa ang usapin sa defense cooperation at trade relations.
Pahayag pa nito:
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.