COC mula Iloilo City nawawala; Canvassing sa ilang lugar, kinansela muna
Sa ikalawang araw ng bilangan ng mga boto para sa pangulo at pangalawang pangulo, kinansela muna ng Joint Canvassing Committee ng Kongreso ang pagsususri sa certificates of canvass (COC) mula sa Ilo-ilo City, Kuwait, Antique at Canada.
Nagkaroon kasi ng problema sa mga COC mula sa mga nasabing lugar.
Sa kaso ng mga COC mula sa Iloilo City, dumating ang ballot box ngunit nawawala ang mismong COC.
Dahil dito, binigyan ni Sen. Aquilino “Koko” Pimentel III, na pinuno ng Senate panel, ang election supervisor sa naturang lugar na hanapin at i-produce ang COC sa loob ng 24-oras.
Ang COC naman mula sa Kuwait ay na-hold sa Bureau of Customs (BOC), kaya hihintayin na muna itong ma-clear at ihuhuli na lamang sa canvassing.
Kulang naman ng manual transmission ang mula sa Canada kaya walang mapag-kumparahan ang Kongreso sa kanilang pagsusuri, at hinihingan na rin ng paliwanag ang mga namahala ng halalan doon.
Samantala, mayroon namang nakitang discrepancy sa COC mula sa Antique.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.