Golden State Warriors, itinanghal na kampeonato ng 2021-2022 NBA Finals

By Angellic Jordan June 17, 2022 - 11:48 AM

Photo credit: NBA/Twitter

Kampeonato na ang Golden State Warriors sa 2021-2022 NBA Finals.

Nakuha ng Warriors ang championship makaraang talunin Boston Celtics sa Game 6 sa iskor na 103-90.

Naging emosyonal ang star players na sina Stephen Curry, Draymond Green, at Andrew Wiggins.

Nakapagtala si Curry ng 34 na puntos, pitong rebounds at pitong assists, 18 na puntos si Wiggins, habang 12 na puntos na may 12 rebounds, walong assists, at tig-dalawang steals at blocks si Draymond Green.

Itinanghal naman bilang NBA Finals Most Valuable Player o MVP si Curry. Ito ang kauna-unahan niyang Finals MVP award.

Ayon sa coach ng Warriors na si Steve Kerr, si Curry ang rason kung bakit naabot ng koponan ang kampeonato.

Ito na ang ikaapat na kampeonato ng Warriors sa loob ng walong taon, at ikapito simula noong 1947.

TAGS: Boston Celtics, breaking news, golden state warriors, InquirerNews, NBA, nba finals, RadyoInquirerNews, Stephen Curry, Boston Celtics, breaking news, golden state warriors, InquirerNews, NBA, nba finals, RadyoInquirerNews, Stephen Curry

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.