Mag-usap, hirit ni Sen. Sonny Angara sa IATF, LGUs sa isyu ng pagsusuot ng mask

By Jan Escosio June 16, 2022 - 05:30 PM

PDI FILE PHOTO

Umaasa si Senator Sonny Angara na madadaan sa maayos na pag-uusap sa pagitan ng Inter Agency Task Force (IATF) at mga lokal na pamahalaan ang isyu ng pagsusuot ng mask.

 

Kaugnay ito nang bangayan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) at ni Cebu Gov. Gwen Garcia.

 

Sinabi ni Angara na sa kanyang palagay ay mapaplantsa ang anumang gusot ukol sa polisiya sa pagsusuot ng mask sa paliwanagan.

 

Aniya naiintindihan niya ang posisyon ni Garcia dahil malaking ambag sa kita ng pamahalaang-lalawigan ng Cebu ay nagmumula sa turismo.

 

“I think, maybe there’s room for some dialogue between the parties here. I can understand where Governor Gwen is coming from because of the pandemic—Cebu is a province that’s dependent on tourism income,” sabi ng senador.

 

Dagdag pa niya maraming bansa na ang binawi ang ‘mandatory use’ ng mask, kabilang na ang katabi ng Pilipinas, ang Indonesia at Singapore.

 

Naiintindihan naman aniya niya kung kinakailangan pa rin magsuot ng mask sa mga lugar na mahirap ipatupad ang social distancing, ngunit paniwala niya gawin na lang itong opsyon sa mga ‘open spaces.’

 

Ibinahagi din ni Angara na ang patuloy na pagsusuot ng mask ay base sa rekomendasyon sa IATF ng mga doktor bilang pag-iingat pa rin sa pagkakahawa-hawa ng nakakamatay na sakit.

 

TAGS: Angara, cebu, IATF, mask, Angara, cebu, IATF, mask

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.