National Artist Award tatanggapin ni Nora Aunor kay Pangulong Duterte

By Chona Yu June 16, 2022 - 09:11 AM

Ngayon araw igagawad sa Malakanyang ni Pangulong Duterte ang National Artist Award kay Nora Aunor.

Bukod sa tinaguriang Superstar, na Nora Villamayor sa tunay na buhay, tatanggapin din ni screenwriter-novelist Ricky Lee mula kay Pangulong Duterte ang National Artist for Film and Broadcast Arts.

Ibibigay ang katulad na parangal sa namayapang direktor na si Marilou-Diaz-Abaya.

Gagawaran din ng natatanging parangal sina choreographer Agnes Locsin bilang National Artist for Dance; pioneering couturier Salvacion Lim-Higgins para sa Design (Fashion); literary critic Gemino Abad para sa  Literature; soprano Fides Cuyugan-Asensio para sa Music at stage director at actor  na si Tony Mabesa para sa Theater.

Kasunod nito, pangungunahan naman ni Pangulong Duterte ang signing ceremony ng Loan Agreement para sa South Commuter Railway Project (SCRP).

Susundan naman ito ng presentation ng 2nd Progress Report ng National Government- Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body.

TAGS: national artist, nora aunor, Ricky Lee, national artist, nora aunor, Ricky Lee

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.