Sen. Win Gatchalian pabor sa dagdag ayuda sa public transport workers
Mas makakatipid ang gobyerno kung dadagdagan ang ibinibigay na subsidiya sa mga nabubuhay sa pampublikong transportasyon sa halip na suspindihin ang fuel excise taxes.
Ito ang posisyon ni Sen. Sherwin Gatchalian at paliwanag niya sa pamamahagi ng subsidiya, P4 bilyon hanggang P6 bilyon ang magagastos, samantalang sa pagsupindi sa fuel excise taxes, halos P200 bilyon ang mawawala sa gobyerno.
Pagdidiin lang ni Gatchalian mas magiging kapaki-pakinabang ang Pantawid Pasada Program kung agad naibibigay ang ayuda sa mga benepisaryo.
Napakalaking alahanin aniya sa mga driver at operators kung matagal na naaantala ang pamamahagi ng subsidiya.
“The delays are penalizing our drivers because their margins or their earnings are getting squeezed on a daily basis. So we have to give it to them immediately and use technology such as E-wallets to give it to them,” diin ng senador.
Sinabi pa ni Gatchalian na susuportahan niya kung 50 porsiyento o kahit 100 porsiyento ang itataas ng tulong-pinansiyal sa mga nabubuhay sa pampublikong-transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.