Teknolohiya, trabaho at edukasyon napag-usapan nina PBBM at Hungary envoy
Nagbunga ng maganda ang pakikipag-usap ni Hungary Ambassador to the Philippines Titanilla Toth kay President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ibinahagi ni Toth na napagkasunduan nil ani Marcos na pagbutihin pa ang kooperasyon sa water technology, agrikultura at edukasyon.
Aniya sa ngayon, may 35 Filipino scholars na sila at umaasa siya na madagdagan pa ito.
Nagpasalamat din siya kay Marcos dahil may 800 Filipino professionals at manggagawa na sa Hungary sa kasalukuyan at umaasa din ito na dadami ang OFWs sa kanilang bansa.
Aniya may mga trabaho sa kanilang mga hotels, gayundin sa mga electronics factories kayat nangangailangan sila ng skilled Filipino workers.
Dagdag pa ni Toth, may mga kompaniya sa Hungary na naghahanap ng investment partners sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.