WATCH: PBBM Jr., hinikayat ng Finland envoy na kondenahin ang Russia
Hinimok si President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ni Finland Ambassador Juha Markus Pyykko na patuloy na kondenahin ang Russia dahil sa pananakop sa Ukraine.
Nag-courtesy call si Pyykko sa susunod na pangulo ng Pilipinas sa BBM Headquarters sa Mandaluyong City.
Sinabi ito ni Pyykko kasunod nang pahayag ni incoming National Security Adviser Clarita Carlos na magiging ‘neutral’ ang papasok na administrasyon sa nagpapatuloy na giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine.
Aniya ang sitwasyon ay kabilang sa mga napag-usapan nila ni Marcos.
Narito ang bahagi ng pahayag ni Pyykko:
WATCH: Finnish Ambassador Juha Markus Pyykko ukol sa pagkondena sa pananakop ng Russia sa Ukraine | @chonayu1
🎥: Chona Yu/Radyo Inquirer On-Line pic.twitter.com/mtFUtPcFGW
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) June 15, 2022
Bukod dito, dagdag pa ni Pyykko, napag-usapan din nila ang mga isyu ukol sa karapatang-pantao, ekonomiya, climate change, kalakalan at trabaho.
Sabi pa nito, natutuwa siya at patuloy na maganda ang relasyon ng Pilipinas at Finland.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.