Gun ban sa PBBM, VP Sara inaugurations ipapatupad ng PNP

By Jan Escosio June 15, 2022 - 12:06 PM

Suspindido simula bukas, Hunyo 16 hanggang sa Hunyo 21, sa Davao City ang pribilehiyo ng pagdadala ng baril sa Davao City para sa inagurasyon ni Vice President-elect Sara Duterte sa Hunyo 19.

 

Magpapatupad din ng gun ban mula Hunyo 27 hanggang Hulyo 2 sa Metro Manila para naman sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo 30.

 

Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Valeriano de Leon, inaprubahan ni PNP OIC Vicente Danao Jr., ang kanyang rekomendasyon na magpatupad ng gun ban sa dalawang nabanggit na okasyon.

 

“Our recommendation to suspend the Permit to Carry Firearms Outside Residence (PTCRFOR) was already approved by our OIC (Officer-In-Charge) PNP (Lt. Gen. Vicente Danao, Jr.) and the suspension covers the period of full preparations, deployment and implementations of the security measures for the oath-taking events of the two highest ranking officials of the country,” sabi pa nito.

 

Paalala pa ni de Leon sa mga gun owners na ang paglabag sa gun ban ay maaring magresulta sa pagkumpiska ng kanilang mga baril at pagbawi ng permit to carry firearms outside residence (PTCFOR) bukod pa sa mahaharap sila sa mga kaso.

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.