Ex-Pampanga mayor hinatulan dahil sa katayan

By Jan Escosio June 15, 2022 - 11:57 AM

Guilty.

 

Ito ang naging hatol ng Sandiganbayan kay dating Guagua, Pampanga Mayor Ricardo Rivera, na nilitis sa kasong katiwalian.

 

Ang kinaharap na kaso ni Rivera ay bunga ng hindi natapos na public slaughterhouse sa kanilang bayan noong 2009.

 

Nahatulan si Rivera ng pagkakakulong ng anim hanggang walong taon at hindi na ito maaring manungkulan pa sa anumang pampublikong posisyon.

Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 3019 o Anti-Graft and Corrupt Practices Act si Rivera nang mabigo ang NC’s General Contractor na tapusin ang slaughterhouse hanggang noong Disyembre 20, 2009.

 

Sa inilabas na resolusyon ng Sandiganbayan 4th Division, napatunayan na walang ginawang hakbang si Rivera para matiyak na matatapos ang proyekto.

 

Sa depensa naman ng dating opisyal, sinabi nito na may mga naging kaganapan tulad ng mga bagyo at malakas na pag-ulan kayat hindi natapos ang katayan.

 

Hindi naman tinanggap ng anti-graft court ang kanyang mga dahilan.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.