MMDA handa na sa pagkasa sa Oplan Balik Eskuwela 2022

By Jan Escosio June 13, 2022 - 07:48 PM

MMDA photo

Para matiyak ang ligtas na pagbabalik ng in-person classes sa Agosto, handa na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).

Tiniyak ni Atty. Victor Nuñez, namumuno sa MMDA Traffic Discipline Office (TDO) – Enforcement, ang kanilang kahandaan na na protektahan ang mga bata sa pagpasok nila ng eskuwelahan.

“We will have a meeting with the school administrators, Parent-Teacher Associations (PTA), and local traffic bureaus in the National Capital Region to discuss road safety checks in school zones,” ang sabi ni Nuñez sa selebrasyon ng National Safe Kids Week held sa MMDA Traffic Academy sa Sta. Mesa, Manila.

Bilin lang nito na ang kaligtasan sa mga lansangan ay responsibilidad ng lahat at aniya, ang MMDA ay handa sa pagpapatupad ng mga batas-trapiko katuwang ang Department of Transportation (DOTr), Land Transportation Office (LTO), at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Binanggit nito na nagpapatuloy ang pagpipintura ng pedestrian lanes sa mga lansangan na nasa paligid ng mga eskuwelahan.

TAGS: F2Fclasses, InquirerNews, mmda, Oplan Balik Eskuwela 2022, RadyoInquirerNews, F2Fclasses, InquirerNews, mmda, Oplan Balik Eskuwela 2022, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.