1,682 na bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Pilipinas sa nakalipas na linggo
Nakapagtala ng 1,682 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Hunyo 13, 2022, base ito sa naitalang datos simula Hunyo 6 hanggang 12, 2022.
Mas mataas ito ng 30.4 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 30 hanggang Hunyo 5.
Nasa 240 naman ang daily average cases.
Samantala, may walong bagong severe and critical cases habang lima naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 20.3 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 3,188 sa 15,706 non-ICU beds ang gamit.
16.6 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 345 sa 2,078 ICU beds ang gamit.
Nasa 498 naman ang severe and critical admissions, o 11.3 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.