18 Immigration personnel, sinibak sa serbisyo dahil sa pastillas scam

By Jan Escosio June 10, 2022 - 07:51 PM

Ipinag-utos ng Department of Justice (DOJ) ang pagsibak sa serbisyo ng 18 opisyal at tauhan ng Bureau of Immigration (BI) na nasabit sa ‘pastillas scandal.’

Sinabi ni Usec. Neal Banito na ang pagsibak sa 18 Immigration personnel ay nakapaloob sa resolusyon.

Aniya, ang 18 tauhan ay naharap sa administrative cases na grave misconduct, gross neglect of duty at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Una nang inanunsiyo ng Office of the Ombudsman ang paghahain ng mga kaso sa 40 indibiduwal karamihan ay mga opisyal at tauhan ng kawanihan, bunga ng naturang modus.

Taong 2020 nang ibunyag ni Sen. Risa Hontiveros ang ‘pastillas scam’ at aniya, ito ang dahilan kaya’t maraming Chinese citizens ang nakapasok sa Pilipinas dahil sa ‘lagay’ sa mga tiwaling taga-Immigration na nakatalaga sa NAIA.

Ang suhol na pera ay nakabalot sa bond paper kayat nagmumukha itong pastillas.

TAGS: InquirerNews, ombudsman, Pastillas Scam, Pastillas Scandal, RadyoInquirerNews, InquirerNews, ombudsman, Pastillas Scam, Pastillas Scandal, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.