Mga kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act, gayundin sa Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act of 2018 ang mga opisyal ng National Telecommunications Commission (NTC).
Ang mga inasunto sa Office of the Ombudsman ni Atty. Ava Mari Ramel ay sina NTC Comm. Gamaliel Cordoba, Deputy Comms. Deliah F. Deles, Edgardo V. Cabarios at Director of the Legal Branch Ella Blanca B. Lopez.
Nag-ugat ang mga kaso sa pagkakaantala ng pagpapalabas ng provisional authority para sa pagpapatuloy na operasyon ng NOW Cable Inc at News and Entertainment Network Corp. (Newsnet).
Base sa 40-pahinang compaliant affidavits, nais papanagutin ang mga nabanggit na opisyal dahil sa kanilang intensyon na patagalin ang pag-proseso sa mga permit, lisensiya at iba pang kinakailangang papeles upang hindi makapag-operate ang mga naturang kompaniya.
Hinihinala din na sinadya itong gawin para sa mga pinapaborang kompaniya na ayon kay Ramel ay malinaw na paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Ang mga kaso ay may katapat na pagkakakulong ng higit anim na taon hanggang 15 taon ng walang probation bukod pa sa habambuhay na diskuwalipikasyon na makapag-trabaho sa anumang ahensiya ng gobyerno.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.