Bongbong Marcos welcome sa Amerika

By Chona Yu June 10, 2022 - 08:28 AM

(Courtesy: BBM camp)

Welcome si incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Amerika.

Sa roundtable discussion sa Pasay City, sinabi ni US Deputy Secretary of State Wendy Sherman na bilang head of state, mayroong diplomatic immunity si Marcos.

Maari aniyang magtungo sa America si Marcos sa kanyang mga official role.

Matatandaang taong 2012, nagpalabas ng contempt judgment ang US Court of Appeals ng Ninth Circuit laban kay Marcos Jr., ina nitong si dating First Lady Imelda Marcos at amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. dahil sa paglabag sa injunction sa assets of the estate.

Ipinalabas ang contempt order matapos makipag-kasundo ng mga Marcoses sa administrasyon ni dating Pangulong Fidel Ramos noong 1992 na paghatian ang kanilang yaman sa pamahalaan.

 

 

 

 

TAGS: BBM, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer, BBM, Ferdinand Marcos Jr., news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.