Duterte-administration sinisingil sa P500 kada buwan ayuda sa masa

By Jan Escosio June 09, 2022 - 10:22 AM

Dahil sa inaasahan na pagtaas pa ng halaga ng mga bilihin at serbisyo, umapila si Albay Representative Joey Salceda (2nd District) sa gobyerno madaliin ang pamamahagi ng mga subsidiya sa mga mahihirap na pamilya sa bansa.

Partikular na tinukoy ni Salceda ang P500 kada buwan na subsidiya na ipinangako ni Pangulong Duterte sa mga mahihirap na pamilya sa loob ng tatlong buwan.

Aniya nagbabala na ang Department of Energy (DOE) sa posibleng pagtaas muli ng presyo ng mga produktong-petrolyo at gayundin sa tinapay at isda sa mga susunod buwan.

Ibinahagi naman ng mambabatas na may natanggap siyang impormasyon na sa susunod na linggo ay magsisimula na ang pamamahagi ng P500 ayuda.

“The funding is there, for at least a few months. I also requested that any unreleased subsidies be granted already. Malaking tulong po ‘yan,” sabi pa ni Salceda.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.