Kanlurang bahagi ng Luzon, apektado na ng Habagat ayon sa PAGASA
Magiging maulan sa malaking bahagi ng bansa ngayong araw.
Ayon sa PAGASA, apektado na ng Southwest Monsoon o Habagat ang western section ng Luzon.
Ang Metro Manila, MIMAROPA, Western Visayas, Zamboanga Peninsula at mga lalawigan ng Pangasinan, Zambales, Bataan, Cavite at Batangas ay magkakaroon ng maulap na papawirin at makararanas ng mahina hanggang katamtamang pag-ulan.
Ang nalalabing bahagi ng bansa ay makararanas naman ng bahagyang maulap hanggang sa maulap na papawirin na mayroong isolated rainshowers o thunderstorms.
Sa kabila ng makulimlim na panahon, sinabi ng PAGASA na magiging maalinsangan pa rin sa Metro Manila hanggang tanghali.
Mamayang hapon ay mataas ang tiyansa na magkakaroon ng pag-ulan.
Ayon kay PAGASA forecaster Gener Quitlong, mayroong Low Pressure Area sa labas ng bansa na may tsansang maging bagyo.
Nasa bahagi Vietnam ang nasabing LPA at hindi pa naasahang papasok ito ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.