Halos 1,000 residente sa Davao, nakatanggap ng ayudang pagkain
Dahil sa patuloy na pagsirit sa produktong petrolyo, tuloy-tuloy ang pamamahagi ng ayudang pagkain, gulay at isda mula Maynila hanggang sa iba’t ibang panig ng bansa.
Katuwang ang Department of Agriculture (DA), Department of Social Welfare and Development (DSWD), nakarating na ang ayuda sa Mindanao sa pangunguna at inisyatiba ni Senate Committee on Economic Affairs Senador Imee R. Marcos.
Bahagi pa rin ito ng pamamayagpag sa Maynila, Metro Manila at ngayo’y sa Davao ng “Kadiwa, Pasasalamat at Ugnayan sa mga barangay”.
Nabahagian nito ang 1,000 residente sa Barangay Vicente Duterte at Buhanginan sa Davao City kung saan din matatandaang nag-top 1 si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na una na ring nangakong magsusumikap na mapababa ang presyo ng bigas.
Sa personal na pamamahagi ng ayuda ni Senador Marcos, sinamahan siya nina Senador Christopher “Bong” Go, Mayor-elect Baste Duterte at ilang mga lokal na opisyal.
Una nang inihayag ni senadora Marcos na kailangan nang buhayin ang orihinal na bersyon ng Kadiwa na legasiya ng ama nila na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr.
Ito’y para mas lalong maraming mga kababayang Pilipino ang makapamili ng murang mga produkto at pagkain sa gitna ng nararanasang krisis, na direkta namang binibili ng gobyerno mula sa mga magsasaka sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.