Duterte at Trudeau nagkausap na, isyu ng Abu Sayyaf beheading tinalakay
Kinumpirma rin ni presumptive president-elect Rodrigo Duterte na tinawagan na siya ni Canadian president Justin Trudeau upang batiin sa kanyang napipintong pagkapanalo sa nakalipas na botohan.
Sa kanyang panig, sinabi naman ni Duterte na humingi na siya ng paumanhin kay trudeau sa pagkamatay ng isa sa kanilang citizen sa kamay ng Abu Sayyaf.
Nangako rin ito kay Trudeau na gagawin ang lahat upang makamit ang hustisya sa krimen.
Pinasalamatan din ni Duterte si Trudeau sa pagtanggap nito sa mga Pinoy sa kanilang bansa at nangkong tatalima sa humanitarian rights.
Samantala, sinagot ding muli ni Duterte ang pagpabor nito na mailibing na ang labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.
Giit nito, para sa kanya isang dating sundalo si Marcos kaya’t may karapatan itong mailibing sa Libingan ng mga Bayani.
Kinumpirma rin ni Duterte na may listahan na ng mga personalidad na ibinigay sa kanya ang Communist Party of the Philippines na posibleng mabigyan ng posisyon sa gobyerno.
Sakaling umuwi na aniya si CPP founding chair Jose Maria Sison, bibigyan niya ng posisyon ang ilang miyembro ng ‘makakaliwang grupo’.
Nairita naman si Duterte nang matanong ukol sa kanyang kalusugan at sinabing malapit na siyang mamatay.
Gayunman, hinamon ni Duterte ang mga mamamahayag na makipagsabayan sa kanya sa treadmill ng isa’t-kalahating oras.
Hamon nito, kung hindi niya magawa ang ehersisyo, magbibitiw siya sa puwesto ngunit kung kanya itong magawa, ang mga media ang magrersign.
Umabot ng pasado alas-dos ng madaling-araw ang pagharap sa media, ng presumptive president.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.