Hindi nakikita ng Department of Energy na aabot sa P100 ang kada litro ng gasolina at krudo ngayon taon.
Sinabi ni Energy USec. Gerardo Arquiza walang napakabigat na dahilan para umabot sa nabanggit na halaga ang mga produktong petrolyo.
Aniya kahit sa sitwasyon ngayon, iginiit niya na napakalabo na mangyari na umabot sa P100 ang bawat litro ng gasolina at krudo sa bansa.
Sa ikinasang bigtime oil price hike kahapon, ang halaga ng gasolina ay nasa pinakamataas na P82, samantalang humataw sa P85 naman ang krudo.
Sa pagpasok pa lamang ng bagong taon ay nagsimula na ang pagtaas ng mga presyo at lumalala pa sa pagputok ng digmaang Russia – Ukraine.
Patuloy naman ang panawagan ng kagawaran sa mga kompaniya ng langis na magbigay ng diskuwento sa mga konsyumer.
Nagpapatuloy din ang pagbibigay ng fuel subsidy sa mga public utility vehicles (PUVs) operators at drivers, gayundin sa delivery service riders at sa mga nasa sektor ng agrikultura.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.