Pinakamataas na bilang ng commuters ng MRT-3, umabot na sa higit 370,000

By Angellic Jordan June 07, 2022 - 06:08 PM

DOTr MRT-3 photo

Muling nahigitan ang pinakamataas na bilang ng pasaherong naserbisyuhan sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3).

Ayon sa pamunuan ng MRT-3, naserbisyuhan ang 370,276 na pasahero sa tren noong Lunes, Hunyo 6.

Pinakamataas ito simula nang magbalik-operasyon sa rail line noong Hunyo noong taong 2020.

Bunsod pa rin ito ng ipinatupad na libreng sakay sa tren at pagpapatakbo ng 14 hanggang 16 na 3-car CKD train set, at apat na 4-car CKD train set sa mainline.

Pinataas na rin ang passenger capacity sa bawat tren na kaya nang makapagpasakay ng 1,576 na pasahero kada train set, at 394 na pasahero kada train car.

Tatagal ang libreng sakay sa mga pasahero hanggang Hunyo 30, 2022.

Patuloy ang mahigpit na pagpapatupad ng pamunuan ng MRT-3 ng minimum public health and safety protocols sa buong rail line.

TAGS: DOTrPH, InquirerNews, mrt3, MRT3 ridership, RadyoInquirerNews, DOTrPH, InquirerNews, mrt3, MRT3 ridership, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.