PNP sumaklolo sa mga biktima ng pagputok ng Mt. Bulusan
Agad nagpakalat ang pambansang pulisya ng kanilang mga tauhan para magbigay tulong sa mga lubhang naapektuhan ng pagsabog ng Mt. Bulusan.
Sinabi ni PNP director for operations, Maj. Gen. Val de Leon, ang ipinakalat nilang units ay naatasan din na bantayan ang mga establismento para maiwasan ang mga insidente ng nakawan.
Aniya inutusan n ani PNP OIC Vicente Danao Jr., ang kanilang regional director sa Bicol Region na makipag-ugnayan sa mga kinauukulang lokal na pamahalaan para malaman ang mga tulong na kakailanganin.
Ayon kay de Leon prayoridad nila sa ngayon ay mailikas ang mga pamilya na nananatili sa ‘danger zone.’
Sakali din kailanganin, dagdag pa ni de Leon, ipinahanda na rin ang kanilang mga sasakyan na gagamitin sakaling may kailangan pang lumikas.
Magugunita na alas-10:30 noong Linggo ng umaga nang magbuga ng tone-toneladang abo ang Mt. Bulusan at nakaranas ng ashfall ang ilang lugar sa Sorsogon at Albay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.