May inflation rate sumirit sa 5.4 percent

By Jan Escosio June 07, 2022 - 09:59 AM

Humataw sa 5.4 percent ang inflation rate noong nakaraang buwan mula sa 4.9 percent noong buwan ng Abril.

Sinabi ni National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa ang pagsirit ng inflation rate ay bunga ng pagtaas ng presyo ng ‘food and non alcoholic beverages.’

Kabilang na ang kamatis, karne ng baboy at bangus, gayundin ang nakakalasing na inumin at sigarilyo.

Nakapag-ambag din ang sektor ng transportasyon  dahil sa mabilis at mataas na dagdag sa halaga ng mga produktong-petrolyo, na naging dahilan kayat tumaas ang pasahe sa tricycle.

Nakapagtala sa Metro Manila ng inflation rate na 4.7 noong Mayo mula sa 4.4 noong Abril.

Sa Cordillera Region naitala ang pinakamataas na pagtaas ng inflation rate sa 6.9, samantalang ang pinakamababa naman at sa BARMM na 2.4.

TAGS: Inflation, may, National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa, news, Radyo Inquirer, Inflation, may, National Statistician and Civil Registrar General Dennis Mapa, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.