Pagbasura sa drug case ni Kerwin Espinosa, patunay na inosente ako – de Lima
Sinabi ni Senator Leila de Lima na ang pagbasura sa drug case ni Kerwin Espinosa ay patunay lamang na inosente siya sa mga isinampa sa kanyang imbentong kaso.
Unang ibinasura ng Makati City Regional Trial Court Branch 64 ang motion for reconsideration na inihain ng panig ng prosekusyon matapos ang pagbasura sa kaso na isinampa ng Department of Justice (DOJ) laban kay Espinosa.
Diin niya, hindi maaring pagbasehan ang naging testimoniya ni Espinosa laban sa kanya sa Senado, na binawi na rin ng una at sinabi na pinagbantaan lang siya para idiin ang senadora.
“So insofar as I am concerned, with the court’s ruling and Espinosa’s recantation, Espinosa’s Senate testimony has already been conclusively proven to be unreliable as evidence against me,” diin ni de Lima.
Idinagdag pa nito, una na ring sinabi ng DOJ na hindi konkreto ang naging testimoniya ni Espinosa sa Senado.
Bukod kay Espinosa, tatlo pang tumestigo kay de Lima ang binawi na ang testimoniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.