180 indibiduwal, apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan

By Jan Escosio June 06, 2022 - 03:29 PM

PCG photo

May 50 pamilya na binubuo ng 180 katao ang lubhang apektado ng pagputok ng Mt. Bulusan, base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC).

Nabatid na ang mga apektado ay mula sa Barangay Puting Sapa sa bayan ng Juban sa Sorsogon.

Inilakas ang mga ito dahil sa matinding pagbagsak ng abo na ibinuga ng nabanggit na bulkan, bukod pa sa masangsang na amoy.

Karamihan sa mga inilikas ay mga bata, buntis at senior citizens.

Sinuspinde rin ang mga klase sa Puting Sapa Elementary School, Sangkayon Elementary School at Anog Elementary School dahil sa ashfall.

TAGS: Bulkang Bulusan, Bulusan, Bulusan eruption, InquirerNews, NDRRMC, RadyoInquirerNews, Bulkang Bulusan, Bulusan, Bulusan eruption, InquirerNews, NDRRMC, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.